Hindi lahat ng kabataan na anak ng mahihirap na Pilipino na gustong makatapos ng pag-aaral ay malilibre ng matrikula sa mga State Colleges and Universities (SUCs).
Ito ang dismayadong pahayag ni Kabataan party-list Rep. Sarah Elago matapos ilaban ng Commission on Higher Education (CHED) at Department of Budget and Management (DMB) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ukol sa P8 Billion na inilaan para tulungang makapag-aral ng libre ang mga mahihirap na kabataan.
Ayon kay Elago, ginaya lang ng CHED at DMB ang Socialized Tuition System (STS) na ipinapatupad ng University of the Philippines (UP) kung saan nakabase ang tuition ng mga estudyante sa kinikita ng kanilang magulang.
Sinabi ni Elago na base sa inilabas ng IRR, tanging ang mga anak ng mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps at recipient ng Student Financal Assistance Programs (StuFAPs) ang pinangakuan ng libreng tuition.
Yong mga taga UP dapat hindi libre sa education tutal wala naman sila mithiin kundi mag rally. Yong matitino lang walang political affilation ang libre. Straight pagaaral lang ang kanilang gagawin.