Nagsimula na nga ang 74th o 2019-2020 NBA season. Maraming pasabog, maraming bagong mukha sa bagong uniporme.
Sa unang araw, sinakmal ng defending champion Toronto Raptors ang Zion-less New Orleans Pelicans.
Dahil wala na si Kawhi Leonard, may bago nang magmamando at babalikat sa Raptors sa katauhan ni Pascal Siakam, ang Most Improved Player last season.
Tumapos si Pascal ng 34 points, 18 rebounds at 5 assists. Nagtala rin si Fred VanVleet ng 34 markers, 7 feedss at 5 boards.
Si Brandon Ingram naman ng Pelicans ay komportable sa kanyang bagong team, na tiyak ay mag-i-improve pa. Nagbaon ng 22 pts., 5 rebs. at 5 asts.
Sa Los Angeles, pinulbos ng Clippers ang Lakers, 112-102.
May bago na nga bang hari ang NBA? Oo ‘di lang yata sa Los Angeles.
Tingin ng ilang former NBA player at analyst, papatapos na si LeBron James dahil si Kawhi Leonard na ang bagong hari ng NBA.
Pinatunayan niya ito sa nakaraang season pa nang maihatid ang kampeonato sa Raptors.
Ngayong nasa Clippers na siya, pinakita ni Kawhi at ng koponan na handa sila sa championship.
Si LeBron ay may 18 points, 9 rebounds at 8 assists habang ang partner niyang si Anthony Davis ay may 25 points, 10 rebounds ngunit ‘di naging sapat.
Makikita sa laro ni Kawhi kung bakit sinasabing siya ang best two-way player sa liga.
Ang kanyang jump shot ay swabeng-swabe. Parehong-pareho sa kanyang mentor na si Kobe Bryant.
Para kina Charles Barkley at Kenny Smith, si Kawhi na ang bagong hari ng NBA.
Sa aking palagay, ‘di pa madedetermina ng isang laro kung sino ang magiging hari.
Tandaan, sinabi ni LeBron kay Kendrick Perkins na kukunin niyang muli ang trono. Abangan natin kung kanino ang huling halakhak.
***
Kung kayo po ay mayroong reaksiyon o nais itanong, mag-email lamang po sa alecpaolo2016@gmail.com. Patuloy niyo rin pong suportahan ang online show ng Abante, ang Sportalakan, tuwing Martes alas-sais nang gabi sa Abante News Online. Maraming salamat po!