tonite-imo-vinia-vivar

Hindi na magdedemanda si Regine Velasquez laban sa mga bashers na nanlait sa kanya dahil sa paglipat niya sa ABS-CBN. Ito ang klinaro ni Songbird sa solo presscon niya kahapon para sa kanyang upcoming concert na Regine at the Movies.

Pero inanunsyo niyang gumagawa siya ng aksyon laban dito.

“I’m not gonna file. Kasi it’s very tedious. I have to go to NBI (National Bureau of Investigation) and file a case and hire a lawyer. But I am doing something. I am talking to some people how to make, alam mo ‘yung complaining easier for all of us.

“Kung baga, parang pareho rin, pag gusto mong magreklamo, pupunta ka ng NBI, pero ito, you just go to a link and you put everything in there.

“Kasi there’s a cyber law naman, eh, mayroon namang existing na cyber law,” pahayag ni Songbird.

Dagdag pa niya, ang nakakalungkot pa, pinagtatawanan nga raw ng ibang tao ang cyber law.

“I felt really sad that they were mocking the law and they were laughing about it. And so, I thought, maybe, really, we should do something about it.

“It’s not enough anymore that we just kung baga, gagawa tayo ng awareness about cyber crime, it’s not enough. There has to be another way.

“And feeling ko sa gene­ration natin, kung magtutulong-tulong tayo, pwede nating magawa ito. We can actually make a difference,” saad pa ni Songbird.

Hopefully ay mabawasan daw ang mga bashers sa ginagawa niyang aksyon na ito.

“I’m trying to do something to eliminate those people. To make it easier for us to complain, ay may mararating ‘yung complains.

“So, hopefully, hindi ko alam kung meron talagang mangyayari kasi kailangan ko ang support ng go­vernment, eh. This is such a big task.”

Hindi pa raw niya puwedeng sabihin kung sino ang kausap niya pero definitely raw ay may kinakausap na siya.

“Kasi iniisip ko, biruin mo, ako ang tanda ko na, 48 years old na ako, naa-affect pa ako, nasasaktan pa ako. Paano na ‘yung mga mas basta and hindi masyadong stable, di ba?

“And marami talagang nade-depress ha dahil nabu-bully sila sa social media. And it’s not good. And I’m doing this for my children, ‘Yung daughter ko nga is also a victim of bullying, eh.

“So, at least man lang, masabi ko sa sarili ko na may ginawa ako. So, ayun lang, I’m trying to do something. Hopefully, something will come out of it,” sabi pa ni Songbird.

Sa katakot-takot na bashing na tinatanggap, labis-labis ang pasasalamat ni Regine sa mga nagtanggol at patuloy na sumusuporta sa kanya.

Naiintindihan daw niya ang pinanggagalingan ng ibang bashers na loyal supporters ng GMA-7 but it’s that she just felt the need to say something and defend herself.

“Hindi naman ako nakipag-away, I just needed to defend myself, I don’t think that’s wrong, I think it’s also my right since I’m being called many names.

“Thank you pa rin for doing that and nagte-thank you ako sa lahat ng supporters ko na talagang nagtanggol, talagang sila mismo ang nakikipagbangayan.

“They really didn’t have to but I appreciate what they’re doing for me. So, thank you very much,” she said.

Marami rin daw nagtanggol sa kanya from GMA-7 at nagpadala pa ng mga messages sa kanya at labis-labis niya itong ipinagpapasalamat.

Samantala, bigatin ang mga guests ni Regine sa Re3gine at the Movies concert na gaganapin sa Nov. 17, 24 & 25 sa New Frontier Theater (formerly Kia Theatre).

On Nov. 17 ay si Piolo Pascual ang special guest niya, sa Nov. 24 si Sharon Cuneta and Nov. 25 si Daniel Padilla.

Regine will be performing songs from iconic/memorable movies na in a way ay extension ng kanyang last, successful mini-series na theater-themed din. But this time ay dagdagan niya ito ng mga kanta mula sa animated films from Disney and Pixar, James Bond, classic films from the Henry Mancini era and timeless classics like Pretty Woman and even several of Barbra Streisand films.

Rico nagpalipad hangin kay Imelda

Para sa Asia’s Sentimental Songstress na si Imelda Papin, napakalaking kawalan talaga sa music industry ang pagkawala ni Rico J. Puno na pumanaw noong Oct. 30.

Sina Imelda at Rico J ang masasabing magka-kontemporaryo talaga dahil halos magkasabay na namayagpag ang kanilang singing career noong dekada 80.

“Ang relasyon ko kay Rico, napakalalim,” saad ni Mel nang makausap namin sa launching ng kanyang endorsement IMUREGEN ng Forever Healthy Products, Inc. na ginanap last Saturday, “dahil kami ang unang-unang binigyan ng award, as Jukebox Queen ako, Jukebox King siya.

“Kami talaga ang pinaka-tandem, pinaka-original. Kahit sa mga shows, until bago siya mamatay, laging pag merong Rico Puno, (may) Imelda Papin, bihira ‘yung nag-iisa siya.”

Dahil nga magkasama na sila during their younger years, nausisa sa Jukebox Queen kung hindi ba nanligaw sa kanya si Rico J. who was known for being a chickboy.

Noong una ay parang itinatanggi-tanggi pa ni Mel pero bandang huli ay napaamin din siya na nagpalipad-hangin daw sa kanya si Rico.

“Palipad-hangin lang. Wala, puro biruan lang ‘yun, hanggang stage lang naman yun,” aniya.

Hindi naman daw natuloy sa isang relasyon talaga dahil nga ayaw daw niya sa mga chickboy.

Wala pa raw siyang nakikita na puwedeng pumalit or pumantay sa yapak ni Rico J.

“Kasi ‘yung career namin, nape-penetrate namin ‘yung pinakamasa, probinsiya, kung saan-saan, lahat ‘yun, napupuntahan. Wala pa akong nakikitang ganu’ng artist. Siguro kasi, ibang panahon na ngayon,” aniya.

The same way na wala rin daw siyang nakikitang puwedeng pumalit sa kanya.

“Kasi siyempre, may sariling style ang Imelda Papin. ‘Yung mga singers kasi ngayon, parang pare-pareho ang style, ‘yung mga pataasan ng boses, pagalingan sila.

“’Yung sa Imelda Papin naman siguro, you can tell na ako naman mellow lang, pero galing sa puso ang mga awitin ko.”