Ni: RONALINE AVECILLA
Tuluyan na ngang tinapos ng mag-asawang sina Cristine Reyes at Ali Khatibi ang kanilang 2-year marriage life.
Ikinasal sila taong 2016 at isinilang ang kanilang first born ng sumunod na taon.
Nito lang nakaraang taon ay kumalat ang isyu na hiwalay na raw umano ang mag-asawa subalit hindi pa ito nakukumpirma ng aktres. Hanggang sa nadulas ang kapatid niya na si Ara Mina.
Samantala, kinumpirma na mismo ni Cristine ang estado ng relasyon nila sa kanyang interview sa ANC na “Headstart”.
Aniya, “We’re civil. We’re in good terms, especially with things we have to do when it comes to Amarah.
Naniniwala ang aktres na ang kasal ay panghabambuhay subalit may mga sandali na ang paghihiwalay ay kinakailangan.
Paliwanag ang aktres, “Ideally, it shouldn’t end, but it depends on the circumstances… But for me, if you’re not happy, you should do something about it.”
Sa ngayon ay casual at maayos ang kanilang samahan lalo na pagdating sa anak nila na si Amarah.