Mukhang walang kadala-dala ang South Korean boy group member na si G-Dragon ng BIGBANG pagdating sa usaping “drugs.”

Nasilip ng mga netizen ang recent post ni G-Dragon sa kanyang Instagram account. May ini-upload kasi ito noong March 15 na slideshow na parang may kinalaman umano sa drugs ang isang larawan.

Sabi nga ng isang comment, “I don’t like what is written on that black pin. Please take care of yourself. Love you, King!”

Nakasulat sa report ng allkpop.com, “The upload from March 15th includes a slideshow of various pictures, including a picture of a mouth and tongue taking LSD. This is not the first time the star has come under fire for allegedly posting drug-influenced imagery, as he was previously criticized for a picture he uploaded in 2014 of the word Molly in a heart shape with white powder.”

Noong 2011, formal na naimbestigahan ang singer sa paggamit ng marijuana. Pero na-dismiss ang kaso dahil minimal lang daw ang nakita sa kanya .Napatunayan din na hindi naman habitual.

Pero dahil sa bago niyang post, muling bumalik ang drug incident issue niya. At ilan sa mga comments pa ng netizens, “He needs attention huh?”

“This bastard still doesn’t get it.”

“What’s wrong with him.”

“I get to learn what drugs look like because of him!”

“Does he think this is cool?”