Nakaalarma na sa Land Transportation Office (LTO) ang plaka ng sasakyan ng mga motoristang may mga ‘unsettled violations,’ ayon sa babala kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ito ay matapos nilang isumite sa LTO ang listahan ng mga motorista na hanggang ngayon ay hindi pa nagbabayad ng kanilang traffic fine.
Sinabi ng MMDA, ang lahat ng mga motoristang may mga unsettled violation simula nitong Disyembre 2018 ay nakaalarma na sa LTO.
Kung kaya’t hindi i-e-renew ng LTO ang vehicle registration ng mga motoristang may mga pending violations, maliban kung inisyuhan sila ng clearance ng MMDA.
Payo ng MMDA sa kanila, na dapat na nilang i-settle ang kanilang mga traffic violation para hindi sila magkaroon ng aberya pagdating nila sa LTO.