May malinaw nang ebidensiya na nagkaroon ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng diktaduryang Marcos na ama ni Bongbong na ngayo’y nag-aambisyon makabalik sa poder.

Naibigay na sa inisyal na 4,000 katao ang dokumento na nagpapatunay na sila’y dumanas ng kalupitan sa panahon ni Marcos.

Kabilang sa mga ito si Danilo dela Fuente na nakaranas ng pagpapahirap noong 1982 habang nasa kustodiya ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).

Apat na libo katao ang bibigyan ng bahagi ng bayad na P100,000 bawat isa bilang kabayaran sa kalupitang naranasan nila noong panahon ni Marcos.

Inaprubahan ng Human Rights Victims’ Claims Board (HRVCB) ang kanilang kabayaran, isang taon bago matapos ang kanilang mandato sa May 12, 2018.

Para sa mga biktima, hindi mahalaga ang pera na kanilang matatanggap kundi ang kumpirmasyon na nagkaroon ng malawakang paglabag ng karapatang pantao noong panahon ng diktaduryang Marcos.

Ayon kay Dela Fuente, tagapagsalita ng Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (Selda), ang kanilang pagkilos ay upang mapapanagot ang pamilya Marcos sa kanilang ginawa.

Para kay Trinidad­ Herrera-Repuno, sa kabayaran na kanilang nakuha ay nagkaroon na ng katarungan ang sinapit ng sambayanang Pilipino.

Kung si executive director Zenaida Mique ng Claimants 1081 ang tatanungin, kailangang ipabatid sa publiko ang totoong nangyari noong Martial Law.

Para sa kanila, hindi dapat mabaon sa limot ang ginawang kalupitan ng mga Marcos sa mga Pilipino. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

(Twitter: follow@dspyrey)