Pinagtulungang saksakin at pukpokin ng kadena ng kanyang kabaro hanggang sa mapatay ang 28-anyos nang tumanggi umanong magbigay ng isang stick ng sigarilyo sa Silang, Cavite.

Namatay habang ginagamot sa ospital ang biktimang si Ralph Ben Hamoc, habang isinuko naman ng kanilang mga tiyahin ang mga suspek na sina Richard Sanchez, 23, at Reynaldo Roque, 18, kapwa mga taga-Brgy. Carmen.

Sa ulat ni PMSgt Decto Abangoen ng Silang Municipal Police, lasing na naglalakad ang mga suspek sa naturang barangay nang nakasalubong nila ang biktima na umano’y lasing din alas-singklo kamakalawa ng hapon.

Humirit umano si Sanchez ng isang stick ng sigarilyo sa biktma pero imbes na bigyan ay nagalit at sinakal pa umano siya. Tinulungan naman ni Roque ang kasama at pinagpapalo nito ng kadena ang biktima habang maglabas si Sanchez ng patalim at pinagsasaksak si Hamoc. (Gene Adsuara)