Ako po ay may asawa ngunit iniwan niya ako. Nalaman ko na lamang na nagpakasal siya sa iba nang hindi naman napapawalang-bisa ang kasalnamin.
Ano po ang gagawin ko? Gusto ko po siyang mabigyan ng leksyon dahil galit na galit ako sa kanya.
Gumagalang,
Mrs. Espiritu
Dear Mrs. Espiritu,
Hindi mo nasabi sa kuwento kung ano ba ang relihiyon ng iyong asawa kaya iisipin ko na siya ay isang Kristiyano na hindi pinapayagang mag-asawa
ng pangalawa o pangatlo kung ang unang kasal ay may bisa pa.
Kung siya ay sakop ng Family Code of the Philippines (Code of Muslim Personal laws), hindi siya maaaring mag-asawa ng pangalawa ng hindi Napapawalang-bisa ang kasal o kaya ay nabiyuda o nabiyudo.
Dahil dito ay maaari mo siyang kasuhan ng bigamy. Maaari rin naman na siya ay kasuhan ng concubinage kung mapapatunayan mo na nagsasabi sila bilang mag-asawa. Maliban dito ay maaari rin siyang masampahan ng kasong violation against women and children dahil sa pag-iwan sa iyo upang makisama lamang sa ibang babae na kanya pang pinakasalan.
Ang mga emotio­nal at psychological abuse na naidulot ng mga ginawa niya sa iyo ay ilan lamang sa mga basehan upang siya ay mapatuna­yang na nang-abuso sa iyo.
Unahan mong makipag-ugnayan sa abogado na makaka­tulong sa iyo upang mailaban mo ang iyong karapatan bilang asawa at bilang babae.
***
Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa (02) 410-7624 or mag-email sa attorneyclaire@gmail.com