‘Di pa tapos ang laban: Brownlee balik Govs Cup

‘Di pa tapos ang laban: Brownlee balik Govs Cup

Natapos ang pagdepensa ng Ginebra sa titulo ng PBA Commissioner’s Cup, sinipa sa trono ng TNT KaTropa 3-1 sa semifinals huli ang 103-92 decision Huwebes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Pahinga sandali ang Gin Kings bago bumalik sa court para paghandaan naman ang Governors Cup.

September 20 ang iskedyul na siklab ng season-ending conference, plano ng Ginebra na ibalik si Justin Brownlee.

Bukod sa resident import, umaasa rin si coach Tim Cone na makakabalik na mula injuries sina Jared Dillinger, Jeff Chan at Art dela Cruz.

“We’re gonna hopefully get Jared and Jeff and Art back, so we feel good about going forward,” ani Cone.

Nakapagbiro pa ang two-time grand slam champion coach nang matanong kung ibabalik si Brownlee.

“Of course,” sagot ni Cone bago mabilis na dinugtong, “We don’t like Justin.”

Nasipa sa TNT, nabanggit ni Cone na may tsansa ang KaTropa sa titulo kahit sino sa San Miguel Beer o Rain or Shine ang makatapat sa finals.

“I think they have a good shot at winning the championship,” wakas niya. (Vladi Eduarte)