NI: VINIA VIVAR

Binuweltahan ni Mariel Rodriguez-Padilla ang isang netizen na napagkamalan siyang buntis ulit.

Pahayag niya sa kanyang Instagram Story, “hindi ba pwedeng mataba lang kailangan ba buntis na agad?”

Kapapanganak nga lang naman ng TV host sa 2nd daughter nila ni Robin Padilla na si Gabriela last November kaya hindi naman talaga kapani-paniwala na buntis na naman siya.

Pero kung may pumupuna sa weight niya ay mayroon din namang pumupuri sa kanyang pagiging mabuting ina.

“Hi Ma! Just want to tell you how much I admire u for being such an amazing mom. U don’t care if tumaba ka as long as u nourish ur child. And that speaks volume of what an amazing woman you are,” komento ng netizen.

Sagot naman ni Mariel, “there is a time for everything. Now is for Gabriela.”

Tanggap naman ni Mariel na talagang mataba siya ngayon at siya mismo nga ang nagsasabi nito sa kanyang mga posts and vlogs. Understandable naman ito dahil nga kapapanganak lang niya. Matatandaan nga ring tumaba siya nang husto matapos niyang ipanganak ang panganay nila na si Isabella pero nagawa rin naman niyang magpapayat ulit.