Maraming natuwa sa ginawang pagpunta ni Gretchen Barretto sa burol ng kanyang pumanaw na ama na si Mr. Mike Barretto.

Nakasabay niya pa nu’ng time na ‘yon si Pangulong Rodrigo Duterte na nakiramay din sa pamilya Barretto that night.

Si Digong muna ang binati at kinamayan ni Greta, tapos ay nagyakapan sila ng estranged mother niyang si Mrs. Inday Barretto.

Alam ng lahat na hindi okey ang mag-ina kaya na-touch ang netizens sa eksenang ‘yon na malakas daw maka-good vibes at nagpapatunay lang na ‘blood is thicker than water.’

Base sa tila paparazzi video na pinost ni Claudine sa IG ay mukhang nabuo ang pamilya Barretto at nagkasama-samang muli nu’ng gabing ‘yon.

Pero may tsika na meron umanong untoward incident na nangyari sa wake that night na dumating si Gretchen.

Ayon sa ilang eyewitness ay nagkainitan daw si Gretchen at sister nitong si Marjorie, na alam ng lahat na kaalitan din ni Gretchen.

As in bayolente raw ang naging eksena, na humantong sa pagsasabunutan ng magkapatid.

Kalerky kung totoo ang balitang ito dahil sa halip na magkaisa at magkabati-bati ay nagpang-abot pa umano ang magkagalit na magkapatid.

Sa post pa naman ni Claudine ay sinabi nitong they are complete at proud daw siya sa kanyang Ate Gretchen.

“I admire & love you more today,” ang caption ni Clau para kay Greta, na may kasama pang, “Welcome home.”

Samantala, isang source naman namin ang nagkuwento na hindi raw si Marjorie ang sinabunutan ni Gretchen doon sa burol kundi ang isang pamangkin nitong babae.

Anak daw ng brother ni Gretchen ang nakaengkuwentro ni Greta. Ayon sa aming source, nagkaroon umano ng relasyon ang niece na ‘yon ni Gretchen sa isang kilalang personalidad na naugnay din kay La Greta.

Hindi malinaw kung anong dahilan at umabot sa pisikalan ang pagkikita ng magtiyahin, pero totoo raw na may ‘hair-pulling incident’ na nangyari nu’ng gabi na ‘yon.

Nakakalukring! Bukas ang pahina ng Abante TONITE para sa panig ng mga Barretto…

Alden yummy sa topless shot

Ang sexy nu’ng topless shot ni Alden Richards na pinost niya sa IG habang nakayuko siya at tila may kausap sa celfone.

Ang ganda nu’ng background sa labas na city lights, kaya may mga nagkomento na meron palang sariling condo unit ang Kapuso actor.

“Good night” lang ang caption ni Alden sa shirtless pic niya, na ang daming na-hot-an at na-yummy-han.

May isang fan na ginawan ng pakpak si Alden through clever editing at nagmukha siyang hunky angel.

Tinweet pa ‘yon ng “The Gift” director na si Direk LA Madridejos at pinuri ang gumawa.

Samantala, may Kapuso mall show ngayong Friday si Alden sa Robinsons Place Bacolod kaugnay ng pagdiriwang ng MassKara Festival sa Negros Occidental.

Makakasama ng aktor sa City of Smiles ang co-stars niyang sina Martin del Rosario, Mikee Quintos, Mikoy Morales at Rochelle Pangilinan, na meron pang pa-games para sa mga Negrense.

Dennis sinadista ang sarili sa katatakutan

Masaya si Dennis Trillo na nag-come home siya ulit sa dati niyang tahanan na ABS-CBN dahil bida siya sa bagong pelikula ng Star Cinema na “Hellcome Home”.

Sey ni Dennis, ‘yung thought pa lang na nakatrabaho ulit niya ang Star Cinema ay nakakasiguro nang quality ang proyekto na ginawa niya at nakasama niya ang mga artistang hindi niya madalas makita at makatrabaho.

Kaya raw lagi siyang nae-excite tuwing napapadpad siya roon at gumagawa ng movie sa Star Cinema.

Actually, ito talaga ang first movie niya sa naturang produksyon dahil ‘yung “The Janitor” (2014) ay distributed lang ng Star Cinema at ‘yung “You’re Still the One” (2015) ng Regal ay co-prod lang at distributed din ng Star.

Ayon kay Dennis, mahirap magmukhang totoo ‘yung takot sa ganitong klase ng pelikula at nakakapagod daw ito. Physically at emotionally draining dahil may intense scenes daw na hindi mo ginagawa sa tunay na buhay.

Mahirap daw maging authentic ang mga scenes na ganito kaya kailangan mo talagang mag-commit sa bawat eksena.

Ang sabi sa amin ng Kapuso actor, tinanggap niya ang “Hellcome Home” dahil sa mga ganitong tipo ng pelikula ang gusto niyang pinapanood.

Ang huli niyang na-enjoy na ganitong genre ay “Hereditary” at “Midsommar” dahil fan siya ng direktor na si Ari Aster. At madalas daw, ang nobya niyang si Jennylyn Mercado ang kasama niyang manood sa sinehan.

Mahilig daw talaga si Dennis sa katatakutan at lumaki siyang nanonood ng horror tulad ng “Regal Shocker” at “Pinoy Thriller” noon sa TV.

Asawa ni Dennis sa “Hellcome Home” si Alyssa Muhlach, na honored na nakatrabaho siya. Pangalawang movie pa lang ito ni Alyssa after “Clarita”, pero parang hindi raw ito baguhan sabi ni Dennis, dahil magaling daw ito.

Supernatural thriller ang tawag ng direktor na si Bobby Bonifacio Jr. sa “Hellcome Home” na tungkol sa dalawang pamilyang nakatira sa iisang bahay na magkakaroon ng mala-impiyernong karanasan.

Sakto ito sa Halloween, showing October 30 in cinemas nationwide.