‘Di takot mamatay! Bulletproof glass pinatanggal ni Digong

Sa kanyang talum­pati para sa distribusyon ng land ownership certificate sa General Santos City kahapon, inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Presidential Security Group (PSG) na tanggalin ang bullet-proof glass sa harap ng kanyang podium.

“Ngano ako may inyong pusilon nga wa man ko sala ninyo. Pili mo ri kadaghan ani, puro man ni military… Ayaw mga politiko kay ga silbi lang mi ninyo… Tangtanga ini. ‘Di ko maistor­ya. Gusto ko mamatay ko, kamo pasanginlan,” ani Duterte.

Noong Abril, unang dinepensahan ng PSG ang paggamit ng bullet-proof glass sa presidential podium para umano proteksiyon ang Pangulo laban sa banta sa segu­ridad nito.

Para naman sa Pa­ngulo, wala umano itong magagawa sa hakbang na ng PSG, gayunman aniya, “Palagay ko pa naman ang buhay ay su­werte-suwerte lang. Kung panahon ko na talaga, wala na akong magawa,” dagdag ng Pangulo. (Prince Golez)