Pasabog si Alex Diakhite­ ng 23 markers, 13 baords, tig tatlong block at 2 feed para galamayin ang UE Red Warriors sa pagkadena sa NU Bulldogs, 78-72, sa wakas ng 82nd UAAP seniors basketball 1st round elims Linggo ng hapon sa Araneta Coliseum.

Katuwanng ni Diakhite­ sina Philip Manalang at Rey Suerte at Neil Tolentino na mga tumagpas ng 13 at tig-12 points para itayo ang Recto-based dribblers mula sa kambal na tilapon at masolo ang 7th place sa barahang 2-5, sinalya ang biktima sa ilalim sa 1-7.

Pinaamayagpagan naman ni Ange Kouame ang defending champion Ateneo Blue Eagles sa pagtibag sa UP Fighting Maroons 89-63 at walisin ang yugto sa walong panalo sa pag-iisa sa tuktok at pinababa ang biktima sa 5-2 kahit nakakapit sa segunda.

Nanguna sa opensa ng Ateneo si Kouame na may 19 points, 15 rebounds, 7 blocks, 2 assists, habang may 18 pts., 5 rebs., 3 asts. at 1 steal si Matt Nieto.

Kalagitnaan ng 3rd quarter, na-eject pa si State U coach Bo Perasol nang komprontahin ang isang referee at makatanggap ng disqualifying foul, 6:23 sa oras tungo sa layo ng winning team sa 86-60.

“We didn’t get carried away with the crowd and the emotions. After all, it’s just a regular season game,” ani ADMU coach Tab Baldwin. “I give a lot credit to the boys for their composure. It wasn’t easy, it wasn’t a easy game to play,”

Kapos ang 15 pts. ni Kobe Paras, 14 ni Javi de Liano, at 12 puntos ni Jun Manzo sa Peyups. ­(Janiel Abby Toralba)