Diana vs Ariella, patalbugan

Ariella Arida

FRESH from her European vacation, muling ipinamalas ni Eugene Domingo ang pagtugtog ng ukulele.

View this post on Instagram

Stare on the stairs 🤓

A post shared by ARIELLA ARIDA (@araarida) on

Marami ang napabilib nang mag-upload si Uge ng video sa Instagram kung saan tumutugtog siya ng isang kanta ng Eraserheads gamit ito.

At any rate, pasabog na naman ang hatid ni Uge sa Kapuso viewers nga­yong Sabado (Agosto 19).

Tatlo na namang celebrity teams ang magla­laban-laban sa Celebrity Bluff mamayang gabi pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA.

Kabugan ang Wowowin hosts na sina Donita Nose & Ariella Arida, ang mag-asawang Diana Zubiri & Andy Smith, at ang magkaibigang sina Kakai Bautista & Mark Herras.

Matulungan kaya ang isa sa kanila nina Master Bluffer Edu Manzano at comedians na sina Boobay at Isko ‘Brod Pete’ Salvador para maiuwi ang half-a-million peso prize?