Dianne binitin si Rodjun sa honeymoon

Dianne binitin si Rodjun sa honeymoon

Nakatsikahan namin si Dianne Medina sa Mannix Carancho Artist & Talent Management at Prestige International Year End Unstoppable 2020 Party na ginanap sa Okada Grand Ballroom.

Inusisa namin na since kagagaling lang nila ni Rodjun Cruz sa honeymoon, nangangatog ba ang tuhod niya at kailangan niyang kumain ng balut?

Nakangiting sagot ng TV host/aktres, “Hindi po, ‘tsaka na muna ang honeymoon, dapat work muna. Sayang kasi ang mga opportunity.”

Pahabol pa ni Dianne, “Right after the wedding, nag-rest lang kami ng one day, tapos ay back to work agad.”

Sina Dianne at Rodjun ay ikinasal last December 21, 2019.

So paano si Rodjun, dahil naudlot ang kanilang honeymoon? “Okay lang po iyon, kasi sobrang dami po ng gastos talaga. So I think we’re gonna save-up first before honeymoon, so back to work muna talaga.”

Dagdag pa ni Dianne, “May nagregalo po ng trip to Maldives at Paris, pero sayang po kasi ‘yung work, kaya tanggap po ako agad. Kasi, napuno na ‘yung January…

“Puwede naman po na sa bahay muna kami mag-honeymoon.”

Kailan nila planong magka-baby? “Mamayang gabi po, hindi joke lang,” nakangiting sambit niya.

“We are trying po, gusto na namin talaga, ipag-pray niyo sana,” seryosong wika niya. “Kasi, I’m not getting any younger, I’m already 33,” aniya pa.

Pero paano iyon, ang dami niyang work? “Hopefully po, kung kailangang mag-rest gagawin ko, just to… kasi iyon naman talaga ang plan, we really like to build a family already.”

Ilang anak ang gusto nila?

“Gusto ko ay dalawa lang, pero si Rodjun, gusto niya ay marami. But sinabi ko sa kanya, siyempre I want quality life.”

Idinagdag pa ni Dianne na gusto raw niyang maging unang baby nila ay baby girl dahil tuwang-tuwa siya sa mga pamangkin niya na lahat ay babae. (Nonie Nicasio)