Agot, crush ni Tesda Man
MEGA super single na uli si Ai Ai de las Alas, tuwang-tuwa niyang post sa Instagram.
Hindi po sila hiwalay ng BF niyang si Gerald Sibayan.
Kinatigan ng QC RTC na ma-enforce ang diborsyo nila ng kanyang ex-husband na si Jed Salang.
Pwede na siyang pakasal uli!
Congrats!
***
Ginanap kagabi ang 50th birthday celebration ni Agot Isidro kasama ng kanyang mga kapamilya at mga kaibigan.
Isa sa ikinakilig ni Agot ang pag-alala sa kanya ni VP Leni na sinuportahan niya noong nakaraang eleksyon.
Gaano katotoo na may isang bagong halal na Senador na very open sa pagsasabing crush niya si Agot noon pa?
Pero wholesome crush naman daw. Itago na lang natin siya sa pangalang Tesda Man.
***
Nag-9th anniversary celebration ang magjowang Rodjun Cruz at Dianne Medina sa Boracay.
Kailangang sabihan si Dianne na isang host sa PTV4 na hanggang ngayo’y struggling actress pa rin na hindi mo sinasabing 9th YEAR ANNIVERSARY.
Redundant iyun.
Papaabutin pa ba nila ni Rodjun ng 10th bago sila magpakasal? Well, sana makaahon muna sila sa kanilang starlet levels.
***
ERRATUM:
2013 pa ikinasal ang dating child actress na si Anna Larrucea sa kanyang irog sa Tagaytay.
Inakala kasi ni KC GUERRERO na bago ang pre-nup photos nina Anna at Robbie Pangilinan, kaya naiulat niya iyon noong Sabado.
Humihingi po kami ng paumanhin sa kinauukulan….
***
Dahil sa isang mabait na agricultural company na nag-subsidize ng To Farm Filmfest tickets, libreng mapapanood ang mga entries ngayon at bukas.
Wala nang dahilan para hindi ito panoorin ng mga tao. Magandang pelikula na, libre pa.
Ang hindi manood, walang karapatang magreklamo sa kalidad ng pelikulang Pinoy na ipinalalabas sa sinehan.
Suportahan natin ang mahuhusay na pelikulang Pilipino.
***
Mula sa top stars ng GMA7, bakit nasa level na nina Benjamin Alves at Fabio Ide ang guests sa Lip Synch Battle?
Ito ang problema kapag limitado lang ang roster ng stars na pinag-iikutan ninyo sa network.
Mapa-drama, comedy or variety shows, nagmumukhang walang premium at tayo-tayo, atin-atin na lang.
Buti na lang, may ningning ang host na si Michael V na kaya talagang pumoste sa show, ‘di tulad ng isang comedy contest nila na Da WHO na ang contestants, Da WHO pa ang hosts.
hoy basurang manunulat….ang lip synch nde nmn lahat pang star lang unggoy…kung maka premium ka kala mo ang brand x station mo lhat premium ang mga star pero mga recycled starlets lng nmn hahahaha!!