Diaz aayudahan ng PSC Phoenix pa-Tokyo Games

Tapos ng kontrobersiyang panawagan sa paghingi ng suporta sa Facebook, natugunan ang problema ni 2016 Rio de Janeiro weightlifting silver mnedalist Hidilyn Diaz para matustusan ang kanyang training at mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games sa Tokyo, Japan sa 2020.

Nilagdaan ni Diaz sa ceremonial signing ang sponsorship sa kanya ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pangunguna ni Chairman William Ramirez at Phoenix Petroleum ni Dennis Uy at sinaksihan nina Executive Secretary Salvador Medialdea at Sen. Christopher Jawrence Go.

Inisyal na pinagkalooban si Diaz ng P2M tulong pinansiyal bukod pa sa kada buwang tinatanggap niyang P48,000 monthly allowance.

Ayon sa sundalong dalaga, malaking bagay ang tulong pinansiyal sa kanyang paghahanda at tiniyak na kakayanin niya ang hamon upang makapasok ulit sa 2020 Tokyo Olympics.

“For me malaking bagay kasi there’s a lot of competition that I need to compete and preparation towards Olympics medyo mahirap and I’m so grateful for the help. Mahirap mag-qualify sa olympics and kailangan ang financial support,” ani Diaz.

Sinabi naman ni Sen. Go na nakita niya ang panawagan ni Diaz sa Facebook at batid niyang malaki ang potensiyal nito at manghinayang siya sa talento kundi masusuportahan.

“Sayang ang talento ni Hidilyn kung hindi natin bibigyan ng suporta at isa pa, miyembro pa siya ng Air Force, alam nyo naman na kami ni Pangulong Duterte full support kami sa military at pulis. (Aileen Taliping)