KAPWA optimistito sa kanilang tsansa na makakapagkuwalipika sina 2015 Rio de Janeiro silver medallist Hidilyn Diaz at 2018 Asian Games gold medallist Margielyn Didal lalo na sa pagkakakausog ng dapat sanang isagawa na kada apat na taong 2020 Olympic Games ngunit nausog sa susunod na taon sa Tokyo, Japan.
Sinabi ni Diaz, na nananatli sa bansang Malaysia matapos na maipit sa ipinatupad na lockdown dahil sa paglaganap ng nakamamatay na sakit na coronavirus, mas humaba ang kanyang panahon para makapagsanay at maihanda ang sarili sa ninanis nitong maabot na sukatan at tsansa na makapagwagi ng gintong medalya.
“Maayos naman po kami lahat,” sabi ni Diaz, na nakahanda sanang sumabak sa kanyang ikaanim at huling torneo sa Colombia kasama ang iba pang Pilipinong weightlifters bago na lamang nagdeklara ng lockdown ang dalawang bansa at kinansela ang kanilang sasalihang torneo.
“Tuloy lang po ang training muna at hintay kung ano ang mangyayari sa situwasyon,” sabi ng miyembro ng Philippine Air Force na si Diaz.
Hnid din naman nagpapabaya ang Cebuana na si Didal na halos abot kamay na rin ang kanyang pagkakataon na makapaglaro at makasali sa grupo ng mga pili lamang na lalahok sa unang pagsasagawa ng skateboarding sa multi-sports na Olympic Games.
Una nang nakasama sa limang batang Pilipino na nakatuntong sa Forbes Asia’s “30 under 30” list for the year 2020 si Didal.
Mula sa 3,500 nominees ay napabilang si Didal kasama ang kapwa atleta na si Carlos Edriel Yulo, Louise Emmanuelle Mabulo, Francis Plaza at Breech Asher Harani sa listahan ng taunang magazine bilang mga “young entrepreneurs and change-makers.”
Inihayag naman kamakailan ni Didal ang pagkakaroon nito ng sariling likha na sapatos.
“Proud to announce my first #nbnumeric signature colorway,” sabi nito sa Instagram. “Every skater deserves a new kick after quarantine,” sabi nito. (Lito Oredo)