DIAZ, IBA pa pasiklab SA 2010s

SPORTS TANAW-BALIK

NI JANIEL ABBY TORALBA

Kung dinomina ni eight-time world professional boxing champion Emmanuel Pacquiao ang Philippine sports sa nakalipas na dalawang dekada, kabilang ang matatapos ngayong 2010-2019, ‘di naman nagpaiwan ang mga atletang Pilipina.

Taglay ang kanilang lakas, tikas, determinasyon at galing, ipinakita ng Pinay athletes na ‘di rin magpapahuli ang kababaihan sa nasabing larangan.
Sa huling dekada, tunay na kabilib-bilib ang ipinamalas ng mga Pinay sa international scene upang iwagayway din ang watawat ng bansa.

Una na sa listahan ng mga nagpasikat si weightlifter Hidilyn Diaz na bumuhat ng silver medal sa 31st Summer Olympic Games 2016 sa Rio de Janeiro, Brazil para pumangalawa sa women’s 53kg division at wakasan ang may 20 taong tagtuyot sa podium ng bansa sa tuwing ikaapat na taong pandaigdigang kompetisyon.

Huling nakamedalya ang ‘Pinas sa Olympics noon pang 1996 sa Atlanta sa boxing sa silver finish ni boxer Mansueto Velasco Jr.

Gold medalist din ang 28-anyos na tubong Zamboanga City sa 18th Asian Games 2018 sa Kuala Lumpur, Palembang, Indonesia sa nasabi ring kategorya na tumuldok sa may 48 taong pagkabokya ng bansa sa Asiad weightlifting tapos ng silver din ni Salvador del Rosario sa 1970 Bangkok.

Tinapos nang milyonarya nang dalaga dahil sa milyon-milyong mga insentibo sa kanyang nagawa ang tikas sa gold din sa 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 55kg weight class para makapagkontribyut sa ikalawang overall championship ng mga Pinoy sa 1-nation, 12-day biennial sportsfest sa bansa nito lang Nobyembre 30-Disyembre 11.

Aktuwal na women power ang pumatda sa 2018 Asiad dahil bukod kay lifter Diaz, naging instant sports hero rin sa quadrennial continental sportsfest nang mapabilang na Golden Girls sina skateboarder Margielyn Didal sa street at golfers Yuka Saso sa individual at sa team event kasangga rin sina Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go.

Pangmalakasan rin sina featherweight Nesthy Petecio at light flyweight Josie Gabuco na maging world champs o makaginto sa International Boxing Association (AIBA) World Women’s Boxing Championships sa taong ito sa Russia, at 2012. Isa pang 5-time SEA Games gold medalist si Gabuco.

Gayundin sina Krizziah Lyn Tabora na nag-2017 Bowling World Cup queen sa Hermosillo, cue artist Rubilen Amit na naging two-time World Pool-Billiard Association (WPA) nitong 2013 tapos makopo ang una noong 2009; Chezka Centeno na tinumbok ang 2015 World Junior 9-ball Championship sa Shanghai, China dinemolis si XiaYuying ng host country sa finals, 9-3. Dale rin niya ang 2014 Asian Junior Championships girls’ single category, Jemyca Aribado na naging unang PH bet na nagkamit ng unang titulo sa Professional Squash Association (PSA) nahampas ang 2018 New Zealand International Classic sa Palmerston North sa paggupo kay local Emma Millar 11-9, 6-11, 11-7, 12-10 sa final, at iba.

Pero may isang ‘di rin basta makakaligtaan sa grupo, si Ian Larriba na naging unang­ paddlewielder na nag-qualify sa 2016 Rio de Janeiro Olympics pero namatay sa leukemia makaraan ang dalawang taon bilang huwarang atleta, estudyante, anak at mamamayan.

Pinabagsak ng Pinay quintet ang Thailand sa gold medal game, 91-71, kung saan nabuo sa team sina Ana Alicia Katrina Castillo, Nathalia Prado, Afril Bernardino, France Mae Cabinbin, Janine Pontejos, Ria Joy Nabalan, Jack Animam, Eunique Chan, Marizze Andrea Tongco, Danica Therese Jose, Clare Castro, Jack Danielle Animam, at Kelli Hayes.

Kuminang naman sa taong ito sina teen fencer Samantha Kyle Catantan sa gold sa Asian Under 23 Fencing Championships sa Bangkok; 11-year-old skater Katrina Amber Cruz na naka-4 na gold sa Skate Indonesia Leg ng Ice Skating Institute Asia (ISIAsia) Championship Series 2019, Andrea Robles na may gold sa Indoor Archery World Series China;

Janelle Mae Frayna na naging unang woman Grandmaster sa chess nitong 2016, 2012 gold-medal victory sa world taekwondo poomsae championships sa Colombia of 15-yr. old Mikaela Calamba,

Mga pumanaw naman sina basketball player agent Sheryll Reyes, dating Asian Games swimmer Susan Papa (2019), Olympic sprinter Mona Sulaiman (2018), at former national volleybelle Liza Paglinawan (2015).