Diaz may lifting webinar 2

Nabitin sa kanyang unang fund raising online weightlifting seminar si Rio de Janeiro 31st Summer Olympic Games 2016 women’s lifting silver medalist Hidilyn Diaz kaya may part 2 ang kanyang programa.

Muli magdaraos ng seminar si ang Pinay hoisting star ngayong Miyerkoles, April 29 simula sa ganap na alas-10:00 nang umaga.

Bukod sa 29-year old single, 4-foot-11 Zamboanga City native at Air Force soldier, tampok na guest at speaker niya sa event sina nutritionist Jeaneth Aro, conditioning coach Julius Naranjo at psychologist Karen Katrina Trinidad.

Idadaan ng team ni Hidilyn ang nasabing live conference sa Facebook page ng Team HD. Ang perang malilikom dito ay iaabot sa mga pamilyang apektado ng pandemic COVID-19 sa kanyang hometown, sa Bulacan, Cavite at Metro Manila. .

Layunin din ng nasabing sport seminar na mabigyang tips ang mga follower niya at ng sport para maging matagumpay na atleta sa disiplinang ito.

Ginanap noong Abril 12 ang unang online weightlifting seminar ni Diaz na nakalikom din ng halaga na itinulong sa mga apektado ng coronavirus disease 2019. (Aivan Denzel Episcope)