tonite-annyeong-rose-garcia

Hindi na bago sa South Korean entertainment na mada­ling mag-speculate ng kung ano-anong balita.

Although, malinaw na ang “allegedly divorced” scandal sa high profile couple na sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo ay nanggaling daw sa isang Chinese media.

Diumano, ito raw ang nagsimula at nagpapakalat ng malisyosong balita tungkol sa mag-asawa.

Ang pinagmulan daw ng espekulasyon na hiwalay na sila ay nang makuhanan ng picture si Hye Kyo sa airport. Nakitang hindi na suot-suot ang wedding ring nila.

Then, sinundan pa ng diumano’y nag-file na raw si Hye Kyo ng divorce. Ma­ging ang mga picture nilang dalawa ni Joong Ki sa Instagram ay deleted na.

Natigil lang ang balitang ‘yun nang i-check ng ilang netizens ang IG account ni Hye Kyo. Intact at nandoon pa rin ang mga picture ng asawa.

Dahil sa ginawa ng isang media outlet, maraming netizens ang nagki-criticize sa kanila. Ilan sa mga comment ng netizens, “Crazy Chinese Media,” “Trash Reporters,” “Nonsense” at iba pa.

Hindi raw ito ang unang pagkakataon na ginawa ito ng naturang Chinese media outlet sa SongSong couple. Sila rin ang nagpakalat noon ng balitang diumano’y buntis na si Hye Kyo bago pa man ikinasal ang dalawa.

As we all know, it was a fake news. Hanggang ngayon ay wala pa rin silang anak.