Dick Gordon binugbog sa pambabara kay Connie

NI: ROLDAN CASTRO

Binatikos ng ilang netizen ang pambabara ni Senator Dick Gordon sa Kapuso news anchor na si Connie Sison. Trending sila ngayon sa Twitter world.

Nabastusan umano sila sa ipinakitang asal ni Gordon habang tinatalakay ang isinasagawang Polymerase Chain Reaction test ng COVID-19.

Nu’ng una maganda pa ang daloy ng usapan pero pabalang na itong sumagot nang matanong sa presyo ng PCR testing na nagkakahalaga ng P4,500. Sey ni Gordon P3,500 lang ang singil sa PCR testing .

Sinopla si Connie nang sumingit ito ng tanong. “Can you listen to me please? Kasi parang ‘di ka nakikinig. Sorry, I’m just being frank. Importante mga sinasabi namin. Dapat ang maintindihan ng tao, we have to test, and there is payment because ‘yung China, sinisingil tayo niyan.”

Pakli naman ni Connie, “Sir, this is the reason why we’re actually getting your side, para mas maplantsa.”

“There is no side! Excuse me, there is no side!,” hirit naman ni Dick.

“Okay, at least your opinion on this. Kasi eto ho ang tanong din ng ating mga kababayan, Sir,” mahinahong sambit ni Connie.

“No, no! Don’t tell us na meron kayong pagsasabungin kami,” lahad pa ni Gordon.

Kalmado pa rin si Connie at nagpaalam sa senador, “Alright, Senator. Naku, magandang umaga naman ho naman sa inyo.”
“Hindi! Pagod na kami!,” tugon sa kanya.
Nagpaka-professional pa rin si Connie sa pagsasabi ng , “Thank you so much for your time, Senator Dick Gordon.”

“Sige!” sagot sa kanya.

Narito ang reaksyon ng mga netizen sa Twitter na nakapanood sa nasabing panayam.

@Reigil2, “Common Sen Dick Gordon. Harsh naman masyado. Kudos to Ms Connie Sison for staying calm.”

@12jaworz, “Connie Sison defines what is calmness and professionalism when you are under attack by a prick Dick Gordon.”

@callmequeengail, “I stan Ms. Connie Sison for holding herself up with grace and sophistication during earlier’s interview. Sen. Dick Gordon, kung ayaw mo magpainterview, might as well say so. You don’t have to be such a dick about it. “

@markizophrenia, “Thank you Ms. Connie Sison for remaining so calm and professional kahit MAS NAKAKAPAGOD yung trabahocmo kesa saknya.

@maryjoylo_, “i salute Connie Sison for being so professional kahit sobrang unprofessional sumagot ni dick gordon .”

@migfriii, “Dick Gordon shouldn’t have done that. But wtf is wrong with Connie Sison? Anyare sa prestigious reporting kuno ng GMA7? Wala ba silang producer on-site to make relevant questions to what Gordon was saying? That was a really bad interview from both ends tbh.”

@Pbagtaaaas17, “Myghad! Ngayon ko lang nakita yung interview of Ms. Connie Sison with Sen. Dick Gordon dahil may meeting sa Balik Probinsya Program.

Thank you po Ms.@CONNIEsison for staying professional, calm and for asking relevant questions in behalf of the filipino people.”