Dickel ‘pinisil’ ni MVP sa Gilas

Si Mark Dickel ang ninombrahan ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas bilang interim coach ng Gilas Pilipinas sa first window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa susunod na buwan.

Hindi na lumayo sa pagpili si SBP chairman Emeritus, Manny V. Pa­ngilinan.

Ang hawak na titulo ni two-time Olympian Dickel sa kasalukuyan ay bilang coaching consultant ng TNT.

Si Bong Ravena ang nasa papel bilang coach ng KaTropa.
Banner team ng MVP Group sa PBA ang TNT, ang dalawa pang koponan ay Meralco at NLEX.

Uumpisahan ng Pilipinas ang kampanya sa Qualifiers sa home game kontra Thailand sa Feb. 20, kasunod ang road game kontra Indonesia sa Britama Arena sa Jakarta sa Feb. 23.

“In his short stint in the Philippines, coach Mark has performed creditably well,” ani MVP.

Dumating sa Manila si Dickel noong 2018 Governors Cup, at sa sumunod na taong edis­yon ng Commissioner’s Cup ay natulungan niyang ibalik sa Finals ang TNT makalipas ang limang conference.

Tatlo sa 24-man Gilas pool ay KaTropa – RR Pogoy, Troy Rosario at Bobby Ray Parks.

Ang iba pa sa pagpipilian ni Dickel mula sa PBA ay sina Kiefer Ravena at iba pa. (VE)