Sinagot ni acting Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Eliseo Rio Jr. ang mga banat ng Sear Consortium at Philippine Telegraph and Telephone Corp. (PT&T) sa proseso ng pagpili ng National Telecommunication Commission (NTC) sa tatlong baha­ging post sa Facebook.
Naging kontrobersyal ang ikatlong bahagi na nagbigay linaw sa radio interview noong Nobyembre 26: “A careful reading of an article linked below may reveal contradictions.
However, I advise the reader to render her/his own judgment after perusing such article which I find interesting and rele­vant to the matter at hand,” sabi Rio patungkol sa fraud judgment laban sa isang Jonathon Bentley-Stevens.
Sinabi ni Rio sa mga panayam na iprenesinta ng Sear ang kanilang pananagutan sa publiko upang ipakitang may mas mataas silang antas ng committed services kaysa Mislatel sa pagtamo ng perpektong 500 points. 
Sa unang taon pa lamang, nangako ang Sear na magkakaloob sa lahat ng 42,000 barangay sa Pilipinas ng 56Mbps (Megabits per second) na bilis gamit ang satellite network.
Sinabi naman ni Information and Communications Technology analyst Engr. Pierre Tito Galla na may dalawang posibleng mangyari sa mga subscriber ng Sear base sa mga numerong ipinangako nito.
 “Sa totoo lang, iniligtas ng DICT si Luis ‘Chavit’ Singson sa multi-bily­ong pagkalugi,” dagdag ni Galla.
Kung gayon, nakahinga nang maluwag ang mga netizen dahil nailigtas sila sa diskwalipikasyon ng PT&T na walang kakayahang makipagkumpetensiya sa umiiral na mga telco giant.