Didal hirap magpraktis dahil sa MECQ

Aminado si 2018 Asian Games skateboarding gold medalist Margielyn Didal na hirap siyang makapag-ensayo at maghanda para sa asam na qualifying slot sa tinatawag pa ring 32nd Summer Olympic Games 2020 kahit na sa Hulyo 2021 na ito iadaraos.

Isa ang Pinay stakeboarder na nagnanais na mag-qualify sa quadrennial sportsfest na ang pagkaurang sa darating na Hulyo ng taong ito’y bunsod sa COVID-19 pandemic. Binyagan pa lang ang nasabing sport sa pampaligsahan ng International Olympic Committee (IOC).

“Malaki ang tsansa ko na makapasok sa Olympics,” sabi ng 21-year-old, 5-foot-2 Cebuana sa Philippine Olympic Committee(POC) webinar kasama ang kapwa atleta na si wushu star Agatha Wong.

Nasa ika-14 na puwesto ang PH 2019 Southeast Asian Games double gold medalist na si Didal sa latest World Skate women’s street event rankings.

May 20 skater lang ang magku-qualify sa Olympics.kung saan kada bansa ay tatlong atleta lang ang maisasali sa mga paglalabanang event ng nasabing sport.

“Asahan na natin ang Japan, Brazil at US, na tradisyon na ang skating at napakarami ng skate parks,” panapos na sambit ng manlalaro.

May ilang tsansa rin si Didal para makakuha silya base sa Olympic rules. (Lito Oredo)