Malaki ang tsansa ng Pinoy skaters na sumilo ng medalyang ginto sa darating na 30th Southeast Asian Games 2019 sa November 30-December 11 sa bansa.

Dahil homecourt advantage, naniniwala si Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines, Inc. president Monty Mendigoria, na ‘di basta magpapadaig ang ‘Pinas tinuturing na powerhouse sa Timog-Silangang Asya.

“Malaki ang chance natin, lalo na we are considered as a powerhouse in Southeast Asia,” saad ni Mendigoria nitong Lunes. “But of course we have to work really hard lalo na sa mga ensayo.”

Walong gold medal ang nakataya sa skateboarding’s street event, game of skate at downhill events para sa men’s at women’s categories.

Nakilala ang skateboarding sa mga Pinoy nang sikwatin ni Margielyn Didal ang gold 18th 2018 Asian Games 2018 sa Palembang, Indonesia.

Kaya naman markado si Didal pag-arangkada ng nasabing sport sa Tagaytay City.

Makakasama ni Didal sa pagwagayway ng bandila sina Fil-Am Christiana Means, Jericho “Kiko” Francisco kasam ang walo iba pang skater. (Elech Dawa)