Nagbabatian ba sila ng ex-boyfriend niyang si Diego Loyzaga pag nagkikita?

“Opo naman. Civil lang,” pakli ni Sofia Andres.

“Okey naman po kami nag-separate. Mas okey po ‘yun sa amin. Kasi po pag magkasama kami, lagi lang kaming nagka-clash,” sey niya.

So incompatible sila ni Diego? Hindi ba sila nagkakasundo?

“Hindi po, eh,” pag-amin niya.

“Iba po kasi siguro ‘yung wavelength ng ano namin.. iba rin ‘yung lifestyle niya, iba ‘yung lifestyle ko,” tugon pa niya.

Para madaling maka-move on sa hiwalayan nila ni Diego, ang ginawa raw ni Sofia ay iniiwasan at hindi na pinapansin ‘yung mga taong connected sa aktor. Binura na rin daw niya ‘yung pictures nila together ni Diego sa kanyang social media accounts.

Puwede pa rin ba silang maging friends ni Diego?

“Not this time po siguro,” diretso niyang sagot.

Malabo bang mangyari sa kanila ‘yung kasabihang “Love Is Lovelier The Second Time Around”?

“Iba po siguro talaga ‘yung sobra naming nasaktan ang isa’t isa. Hindi po namin alam kung paano magiging okey ulit,” sambit pa niya. ­(Rommel ­Placente)