Diego tadtad ng tattoo

Kung ang iba’y buhok ang pinagtitripan ngayong quarantine, sinubukan naman ni Diego Loyzaga na tadtarin ng mga “tattoo” ang kanyang katawan.

“This was fun! Thank you @tattumundo always wanted to know what i would look like w a sleeve,” caption ni Diego sa litrato niya na puno ng mga tattoo.

May follower si Diego ang nagtanong kung totoo raw ba ang mga tattoo na sinagot ng ina ng aktor na si Teresa Loyzaga.

“@jamesxbryan Fake tats. Work out pause. Picture picture!” ani Teresa.

(IS)