Diesel, gas rollback nakaamba bukas

Panibagong bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang nakatakdang ipatupad ng mga kompan­ya ng langis bukas nang umaga (Martes).

Sa pagtaya ng Department of Energy, maglalaro sa P0.30 sentimo hanggang P0.40 sentimo kada lit­ro ang ikakaltas sa diesel habang nasa P0.25 sentimo hanggang P0.40 sentimo naman ang ibababa sa kada litro ng gasolina.

Nabatid na ito ang ikaapat na linggong nagpatupad ng rollback ang mga kompanya ng langis.

Ang panibagong galaw sa presyo ng produktong petrolyo ay batay pa rin sa dikta ng presyuhan ng crude oil sa pandaigdigang merkado. (Vick Aquino)