Differently-abled cager Tan pa-wow sa dribble

Kakaibang basketball dribbling skills ang pinamalas ng isang may person with disability na si Kat Tan sa kanyang TikTok video.

Kahit may one-arm disability si Tan, tunay na kamangha-mangha ang kanyang dribbling skills.

Sa kanyang TikTok video, kumasa sa Tootsie challenge ang tila differently-abled dribbler na magandang dalaga, at may caption pang “I’m back! 😁 Tryin’ out this challenge.. the modified version 😂 #fyp #foryourpage #foryou #foryoupage #tiktokph #toosieslidebasketball.”

Halos umabot naman na sa 80,000 views at 5,000 reactions ang video ni Tan na ine-repost ng ABS-CBN Sports.

Napahanga naman ang ilang netizens sa galing na ipinakita ni Tan.

Komento ni Sahj Selecrev sa Facebook, “Well extremely talented you got them handles!”
“Salute at respect ♥️ kaya wala tayong dahilan na mga normal para tumigil sa paglalaro♥️” sambit ni Darson Estella Alejandria.
Hanga rin si Janzel Ong “Galing! #RESPECT.” (Janiel Abby Toralba)