Nakatakdang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Benham Rise o Philippine Rise sa susunod na linggo para magbigay ng matinding mensaheng pagmamay-ari ng Pilipinas ang lugar na pinaniniwalaang mayaman sa mineral, gas at marine life.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag nang magtalumpati sa free mason sa Davao City nitong Huwebes, bago lumipad ng Si­ngapore para sa 32nd ASEAN Summit.

“I will make a statement there that nobody but nobody owns this place, including the continental shelf, the underground landmass that extends under the sea,” bahagi ng pahayag ni Duterte.

Nagbiro din si Digong na kung ang continental shelf ay aabot sa San Francisco Bay sa United States ay nasa teritoryo pa rin ito ng Pinas.

Matatandaang ipinagkaloob ng United Nations (UN) noong 2012 sa Pilipinas ang Benham Rise bilang extension ng continental shelf ng bansa. (Aileen Taliping)