Digong, Boss Vic, Mother Lily bulilyaso sa SarChard wedding

Tama lang ‘yung desisyon na i-postpone muna ang big showbiz wedding dapat bukas nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Sa panahong ito na ipinagbabawal ang public gatherings at dapat munang mag-social distancing ay hindi talaga makatarungang ituloy ang wedding.

Mahirap nang magkasisihan ‘pag nagkahawaan doon sa kasal sa dami ng bisitang imbitado.

At isa pa ay mukhang bulilyaso na rin talaga ang event dahil ang dinig namin ay ang daming VIP guests na hindi na makakadalo sa wedding for valid reasons.

Unang-una na raw si Pangulong Duterte, na dapat munang mag-self quarantine. At parang hindi rin naman talaga magandang makita ang Presidente na nakikipagsosyalan habang may nagaganap na pandemic.

Dine-deadline namin ito ay mainit na pinag-uusapan ang lockdown umano na magaganap sa maraming lugar sa Metro Manila para maiwasan ang pagdami pa ng positibo sa coronavirus. So, bawal talaga ang anumang big events kung matuloy nga ang sinasabing lockdown.

Bukod kay Digong ay hindi rin daw pupunta ang mga Senador na principal sponsors, na understandable dahil ni-lockdown na rin ang Senado, na karamihan ay naka-self quarantine after ng hearing na may isang nagpositibo sa COVID-19.

May narinig din kami na ang mga taga-ABS-CBN ay hindi rin makakarating, pati raw sina Mother Lily Monteverde at Boss Vic del Rosario.

Ang mga nakatatanda ang sinasabing mas vulnerable sa kinatatakutang virus kaya hindi kataka-taka na ang mga senior personalities ang unang mag-backout sa naturang event.

May mga artista ring imbitado at part ng entourage na alam naming nagdadalawang-isip kung dadalo dahil nga sa mga kaganapan sa kasalukuyan. Siyempre, ang gusto ng ikakasal ay kumpleto ang mga imbitado nila, pero mahirap ma-achieve ‘yon sa panahong ito na meron tayong matinding health crisis na kinakaharap.

Siguradong malungkot sina Richard at Sarah dahil ang tagal nilang hinintay ang moment na ito at ang tagal din nilang pinaghandaan nang husto.
Akalain mo bang habang papalapit ang petsa nang kasal ay parami nang parami ang nagkaka-COVID, tapos 2 days before the big day ay wala kang choice kundi i-cancel ang event?

Ang sakit, besh! Nakakaiyak!

Sigurado ring pinaka-affected dito si Tita Annabelle Rama na punong-abala sa big event na ito ng kanyang pamilya.

As always ay si Tita Annabelle ang in charge sa mga ganap ng pamilya at ito na ang biggest event ng Gutierrez family after ng kasal ni Ruffa Gutierrez nu’ng 2003.

Akalain mo bang makakansela ito nang dahil sa hinayupak na virus?!
And we can imagine the gastos dahil malamang nakahanda na lahat ng suppliers kasi nga ay dalawang araw na lang, kasalan na.

Grabeh, ibang level ‘tong coronavirus pandemic, huh! Nakakawindang! One for the books!!
PAK!!

Pagkuyog kay Sharon naudlot

Isa sa aabangan sana sa Richard-Sarah wedding ay si Ms. Sharon Cuneta na isa sa mga ninang.

Ito sana ang first public appearance ng Megastar after niyang magpaalam sa social media at manahimik muna pagkatapos niyang mag-emote tungkol sa kamag-anak na nanloko umano sa kanya.

After almost a month ay nagparamdam na ulit sa social media si Mega at ang comeback post niya ay tungkol sa bago niyang love na Korean actor na si Hyun Bin ng trending Netflix series na “Crash Landing on You”.

Kung natuloy si Shawie sa wedding ay malamang kuyugin siya ng invited press at usisain tungkol sa mga hanash niya at kung sino bang pinatutungkulan niya ng mga ito.

Okey ba sila ng anak niyang si KC Concepcion o totoong may hidwaan sila nito?

‘Yun na! PAK!!