Digong buhay na buhay sa FB Live ni Honeylet

Kasunod ng pag­kalat ng mga balita sa social media na ­patay na si Pangulong ­Rodrigo Duterte, pina­bulaanan ito ng kanyang ­dating Special Assistant to the President ­Christopher ‘Bong’ Go.

“Not true. Nasa Davao po siya. He is fine,” ayon sa mensahe ni Go nang tanungin ng mga mamamahayag.

Bilang patunay na buhay si Duterte, nag- post ng larawan ang kanyang common-law wife na si Honeylet Avanceña na naki­kitang nakaupo at kumakain sa dining table si Duterte.

May video ding nai-post sa FB account ni Avanceña na nagsasalita si Pangulong Duterte ng “My reaction to my passing away. I will ask God first If I… If he’s available for interview kasi pupunta na ako dun. Ano mga ­mensahe ninyo? Dadalhin ko Pari, Obispo, lahat. And ‘yung last wish ng mga durugista, ilista ninyo. Ako na magdala doon sa langit o impiyerno. Depende Lang.”

Sa ikalawang video, sinabi naman ni Pangulong Duterte, “For those who believe in the news that I passed away. Please pray for me, for the eternal repose of my soul. Thank you.”

Sa post kahapon ng umaga sa Facebook ng isang Ray Abad, nakalagay ang: “Security is a must for (Vice President) Leni (Robredo), ayon sa bulung bulu­ngan nakalabas sa kampo ni Koko (Pimentel), patay na raw si digong. Still UNCONFIRMED.”

Nagsimulang ­umugong na may masamang nangyari kay Pangulong Duterte nang umalis ito sa event ng mga ­barangay officials sa Palo, Leyte dahil masama umano ang pakiramdam nito. ­