May nakikita pang konting pag-asa para sa peace talks sa mga kamay ng komunista sa kabila ng naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sarado na ang pintuan ng gobyerno sa grupo ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison.

Sa kanyang talum­pati sa ika-siyam na ani­bersaryo ng Mindanao Development Authority at ika-25 anibersaryo ng Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) sa Davao City, sinabi ng Pangulo na hindi niya gusto ang istilo ni Sison subalit hindi aniya siya galit sa lider komunista.

“I am not saying that I am now in agreement with Sison. I don’t like his style but I do not hate him. We are friends and we can be friends. Some other time they say I would kill for ­money. But since Sison is my professor, I will kill him for nothing. Except that before he goes to the blue yonder, kindly find time to talk sensible peace,” anang Pangulo.