Balitang na-shock daw si Pangulong Rodrigo Duterte matapos niyang masaksihan ang diumano’y away na namagitan sa Barretto family last Wednesday night nang dumalaw siya sa burol ng haligi ng pamilya na si Miguel Barretto.

Laman na ng lahat ng news ngayon ang diumano’y malaking gulo na naganap sa mga Barrettos last Wednesday night sa harap mismo ng Pangulo na ang tsika ay humantong pa sa sabunutan.

Ang ibang netizens ay sinisisi rin partly si Digong sa nangyari dahil nagsimula ang gulo nang i-try niyang pagkamayin at pagbatiin ang magkaalitang magkapatid na sina Gretchen at Marjorie.

Bakit daw kasi nakialam ang Pangulo sa away ng mga Barrettos gayung hindi naman daw yata nito alam ang pinagdaanan ng mga ito na sabi nga ni Marjorie ay masyadong malalim daw kaya tumanggi itong makipagkamay.

Well, marahil ay sariwa pa kay Marjorie ang nangyaring pagkampi ni Greta kay Bea Alonzo kaysa sa anak niyang si Julia Barretto na pamangkin mismo ni Greta.

Maybe ay hindi pa ready si Marjorie at madali namang intindihin ‘yun pero sana ay hindi na lang sila gumawa ng eksena pa sa burol. Sana ay nag-iwasan na lang sila kung hindi pa sila handa para naiwasan sana ang mga ganitong pangyayari.

Samantala, ang latest news ay naospital daw si Claudine last Thursday dahil sa nangyari. Nagtamo raw ng mga galos at sugat ang aktres at nakaramdam ng pagkahilo pagkatapos ng gulo sa burol.

Kahapon ay nag-post ng cryptic message si Claudine na nagsasaad ng “Are you proud of who you have become?” at sa caption, aniya, “I hope not.”

Umaasa pa rin ang marami na sana, bago man lang malibing ang Barretto patriarch ay magkaayos-ayos na sila.

Marco na-trauma sa tuli

Bumilib kami sa ex-housemate ng “Pinoy Big Brother Lucky 7” na si Marco Gallo dahil diretso niyang sinagot ang tanong ni katotong Leo Bukas kung “cut” or “uncut” ba siya, meaning, circumcised ba siya since may Italian blood nga siya’t sa Italy lumaki because of his Italian father (his mom is Filipina though). Alam naman nating hindi uso sa karamihan sa mga foreigner ang circumcision.

“I don’t think it’s an issue,” simula ni Marco during his interview with the entertainment press at the Viva office before his contract signing with Viva Artists Agency (VAA).

But for the record, aniya, “in a medical way, I am. I am – how do you say it?- tuli. Coz I remember, it was one of my most traumatic events in my life.”

Ikinuwento niyang taong 2008 daw naganap ang circumcision dito sa Pilipinas. He was about 8 yrs. old. Ang sabi raw sa kanya ng Tito niya ay pupunta sila sa dentist kaya pumayag naman agad siya.

Sa ospital sila pumunta at ‘yun na nga, ‘yun pala ay ipapatuli siya.

“I was screaming. It was like 5 of my titos holding me and after the operation was done, I got so angry to the doctor, I was like ‘put everything back how it is in Italya.’ I was screaming, I was like ‘I’m gonna sue you! I’m gonna find you! I’m gonna ruin your life!’ and everything. Coz I thought it was their idea. I didn’t know it was my mom’s,” kuwento ni Marco.

For a week ay kinailangan daw niyang magsuot ng palda at sabi niya sa mommy niya, “Mom, why am I a girl now?”

Pero na-realize rin daw niya na ok naman pala ang magpatuli and in fact, he’s proud of it at ganito rin daw ang gagawin niya sa kanyang magiging anak someday.

“It’s actually a good thing. I’m proud of it coz it’s more healthy, I mean, it’s medically proven, it’s actually more healthy for male people, and I’m looking (forward) like someday, for my kids to do it, too, coz my dad was really against it, kasi nga, in Italian culture, they’re really to do that, like you don’t have to touch males’ genital, hindi dapat talaga.

“Pero, wala, sa medical na paraan, it’s been proven na mas maganda ‘yun, so bakit hindi?” pahayag ni Marco.

Samantala, mula sa Star Magic ay lumipat na si Marco sa bakuran ng Viva. Pumirma siya ng management contract sa Viva Artists Agency (VAA) at naging maayos naman daw ang naging pamamaalam niya sa Star Magic.

Nag-expire ang kontrata ni Marco sa Star Magic last August at tinatanong daw siya kung gusto niyang mag-renew. Pero sinabi raw niyang gusto niyang mag-explore at gusto niyang maging hands-on din at mas makakilala nang husto ang mga taong katrabaho.

Pumayag naman daw ang Star Magic at inirespeto ang kanyang desisyon.

“They were like, ‘if that’s what you want, if that’s what makes you feel good and makes you happy, we’re not gonna stop you.’ Even if it’s like, hindi tapos ang contract, ganu’n sila kabait na kung du’n ka masaya, papayagan ka naman nila,” sabi pa ni Marco.