Digong nag-kulambo rin sa The Mansion

Pres. Duterte

Hindi lang sa sariling bahay sa Davao City nagku-kulambo si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa Presidential room sa The Mansion sa Baguio City kung saan ito natulog kamakalawa ng gabi ay may nakakabit na kulambo sa kanyang kama.

Ang presidential bed ng Pangulo na may naka­kabit na kulambo ay lumabas sa social media kung saan nagpakuha ng larawan ang Pangulo.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang Pangulo na malibot ang tinaguriang official summer residente ng Pangulo sa Baguio.

Matatandaang ang mahiwagang kulambo ng Pangulo ay pinag-interesan ding tingnan ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe nang bumisita ito sa Davao City nitong unang buwan ng taon.