Maraming salamat po, Mr. President for your statement on Smartmatic.” Ito ang opisyal na reakyon, sa pahayag ni President Rodrigo Duterte laban sa Smartmatic, ng Mata sa Balota Movement, isang eleksyon watchdog na kamakailan ay nagsampa ng mga kaso sa Korte Suprema at Ombudsman laban sa Commission on Elections (Comelec) at Smartmatic ukol sa isyu ng katiwalian sa proseso ng eleksyon sa bansa.
“Dispose of that Smartmatic and look for a new one that is free of fraud.
It’s creating an environment of hostile attitude… improve on the system, stop using Smartmatic kasi pabalik-balik na ‘yan bakit pa sige Smartmatic na hindi naman nagbibilang… tapos nasisira,” sabi pa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng Filipino community sa pagdalaw nito sa Japan.
Kahapon ay sinabi ni Mata sa Balota Movement spokesman Dr. Michael Aragon na dahil sa mga salita na binitiwan ni Presidente Rodrigo Duterte tungkol sa Comelec at Smartmatic ay tunay na napatunayan nila ang matagal na nilang paniwala na ang Presidente ng Pilipinas ay isang patriotiko at makabayan na handang lumaban at mamatay para sa mga Pilipno at bansang Pilipinas.
“President Rodrigo Duterte belongs to a rare breed of patriotic and nationalistic Filipinos who is willing to die for our people and our beloved country. Maraming salamat po, Mr President for your statement on Smartmatic. We take this as a clear reply to MATA SA BALOTA’s Open Letter to you which was published in a full page of a leading newspaper last May 9, 2019,” pahayag ni Aragon.
Tatay Didong, you are the father of this country and we are your children… now your children are directly appealing to you… as you and your patriotic heart are our last and only hope to save our beloved Philippines… you must act now against election fraud because a lion’s share of narco-political money is funding electoral fraud,” lantarang apela ng Mata sa Balota sa kay Pangulong Duterte sa kanilang letter of appeal na lumabas sa mga pahayagan.