Digong nagngitngit sa kikiam ni Alan

Hindi nagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga aberyang naganap bago pa man ang pormal na pagbubukas ng 30th Southeast Asian (SEA) Games kabilang na ang reklamo ng mga atleta sa pinakain sa kanila na kikiam at itlog.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nagalit ang Pangulo nang malaman ang kapalpakan sa pagkain ng mga atleta.

“Alam mo, kinakain lang ito ‘pag medyo wala ka nang makain,” ani Panelo.

Nagtataka umano siya kung bakit tila tinitipid ang pagkain ng mga atleta gayung dapat na masusustansya at pampalakas ang ibi­gay sa mga ito para makipagtagisan ng lakas sa mga kalaban.

Ayon sa kalihim, pantawid-gutom lang ang kikiam at hindi angkop para sa mga atleta na kaila­ngan ng tamang nutrisyon. (Aileen Taliping/Prince Golez)