Digong nagpaliwanag sa hindi tamang pagsusuot ng fatigue

rodrigo-duterte

Nagpaliwanag si Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa hindi umano tamang pagsusuot nito ng uniporme ng sundalo nang magtungo sa Marawi City kamakailan.

Ayon kay Duterte, nabatikos siya ng mga kritiko dahil dito.

“I was criticized for not wearing the uniform properly when I went to… Kasi finold (fold) ko ‘yung ano tapos nakabukas. Eh talagang hindi naman ako nagsasara ng last (na butones). Alam ninyo ‘yan. Tsaka I am Commander of all Armed Forces — Navy, Air Force, Army, CAFGU. I went there as a CAFGU. Kaya tinanggal ko ‘yung Duterte patch tapos may Velcro pati ‘yung President. Kasi CAFGU lang ako pumunta. I can select the unit. Eh CAFGU ako, ‘di okay lang,” pahayag ni Duterte sa panayam ng media kahapon.