Digong nakahanap ng kakampi kay Erap

Nagpahayag ng kanyang pagsuporta si dating­ Pangulo at ngayo’y ­Manila Mayor­ Joseph ­Estrada sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na putulin na ang kaugnayan ng bansa sa United States.

Naniniwala si Estrada, panahon na upang tuldukan ang pakikialam ng US government sa internal ­affairs ng Pilipinas.

“‘Di komo tinututulungan tayo ng US, ­papakialaman naman nila internal problems natin.

We are a sovereign country. We have our own Constitution,” ayon kay Estrada.

“Tama naman ginagawa ni Pangulong Duterte, bakit sila nakikialam?” dagdag pa nito.

Sinabi rin ni Estrada na sinusuportahan nito ang pakikipag-alyansa ni Duterte sa China dahil hindi ito nakikialam sa ating independence.”

Aniya pa, noong siya ay pangulo ng bansa,­ ­palaging nakikialam ang Amerika. Sa kasagsagan ng ­giyera kontra Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong 2001, ­sinulatan siya ng noo’y US Defense Secretary William Cohen at naki­usap na itigil na ang opensiba.

“‘Yung laban ko nu’n sa MILF, pinakialaman ako, pinatitigil ako,” wika pa ni Estrada.

Dagdag nito, naiintindihan niya ang desisyon ni Duterte. “Nararamdaman ko ngayon ‘yung nararamdaman ni President Duterte.”

Dagdag nito, mahirap ang ginawa ni Duterte dahil kaya ng US na gumalaw upang matanggal ito sa puwesto.