Digong ninong sa AshMatt church wedding

Bagamat marami ang natuwa na ang Pinoy actor at army reservist ay itinalagang youth ambassador sa National Youth Commission, marami rin naman ang tumutuligsa sa kanya.

Sey ng kibitzers, ano raw ba ang naiambag ni Matteo para isulong ang mga plataporma ng mga kabataang Pinoy.

Sa baliktaktakan sa socmed, may mga kate-katerang basher din na kinikuwestiyon ang kwalipikasyon ng nasabing Fil-Italian actor.

Hirit pa ng ilan, pasado raw ba ito sa required competency level ng naturang ahensiya.

Sabat naman ng ilan, ang pasaporte lang umano nito ay pagiging DDS nito kaya raw ito ang naitalaga sa nabanggit na posisyon.

Samantala, may tsika rin na isa umano ang Pangulong Digong sa mga ninong nila ni Sarah Geronimo sa napapabalitang church wedding after their secret civil union. (Archie Liao)