Hindi man kapartido, pasado at sang-ayon si Senate Minority Leader­ Ralph Recto sa mataas na markang ibinigay ng taong­bayan sa unang 100-araw na panu­nungkulan ni P­angulong Rodrigo Durterte.

Pangunahing basehan ni Recto sa kanyang ibi­nigay na passing grade sa Pangulo ay ang giyera nito kontra droga na malinaw namang matagumpay base na rin sa nakikitang resulta.

“Tulad ng maraming­ kababayan natin, malaking­ marka ang ­ibinigay sa ating Pangulo­ gayundin naman ako. ‘Yung kampanya laban sa droga at krimen is apparently working,” ayon pa kay Recto.

Pagdating naman umano sa direksiyon ng Duterte administration, masasab­i umano niyang malinaw ang direksiyon nito tulad na lamang ng mga isinusulong nitong proyekto sa ekonomiya at imprastruktura bukod sa naisumite umano ang budget on time.

“May direction naman ‘yung mga programa nila,” ayon kay Recto, kasa­bay ng pagsasabing ang bahagya lamang niyang ikinabahala ay pagdating sa foreign policy.

Dulot na rin umano ito sa mga binitiwang pahaya­g ng Pangulo laban sa Estados Unidos at European Union na maaarin­g makabawas sa pagpasok ng investment.

8 Responses

  1. Takot makuyog ng dutertards si Recto…ha ha ha…hay naku si D5 lang at Trillanes talaga ang sumasalungat sa senado..kung wala pa ano na lang silbi ng senado

    1. or baka gusto rin sumama ni recto sa susunod na trip ni digong ….katulad ni cayetano and wife at escudero and wife, marami silang pera makaka afford sila mag travel pero syempre group trip/ tour with wifey ang saya saya di ba

      1. AKO AY ISANG SIMPLENG TAO NA KUMIKILALA SA MAGANDANG GINAGAWA NG PANGULO PARA MAGING SAFE ANG BUHAY NG BAWAT PINOY… KAHIT BUONG LAHI MONG ABNORMAL AT SIRA ULO AY NAKIKINABANG

      2. ikaw tolits iwas-iwasan mo na nga yang kakahithit mo ng katol…gaga munggo na nga lang yang laki ng utak mo ginagamit mo pa sa pagtitipa sa keyboard ng computer mo baka bigla ka na lang matulala ha..wahahahahah!!!!!