Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na ibalik ang Reserve Officers Training Course (ROTC) para sa mga kabataan para maitanim ang pagiging mapagmahal sa bayan.

Ang pahayag ay ginawa ng Pa­ngulo sa kanyang pagdalo sa ika-35th Founding Anniversary ng Army Reserve Command (ARESCOM) sa Camp Regio de Dios, Tanza, Cavite ngayong gabi.

Sinabi ng Pangulo na mahala­gang maibalik ang ROTC at gawing mandatory para maitanim sa isipan ng mga kabataan ang pagmamahal sa bayan.

Binigyang-diin ng Presidente na nais niyang ipatupad ang ROTC sa grades 11 at 12 para mamulat ang mga kabataan para ipagtanggol ang bayan.

“We need to revive the ROTC. It has to be mandatory. I likewise encourage Congress to enact a law that will require mandatory ROTC to grades 11 and 12 so we can instill patriotism, love of country among our youth. Ewan ko kung madala ito ng EO. ‘Pag madala ng EO siguro baka mapilitan ako. This is a Constitutional requirement that we must prepare to defend your country,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na dahil nawala ang ROTC ay wala nang ginawa ang mga kabataan kundi humit­hit at uminom kaya nawala na ang pagmamalasakit sa bayan.