Digong present sa premiere night ng anti-addiction movie

Dumalo si Pangu­long Rodrigo Duterte sa premiere night ng anti-addiction movie.

Kasamang nanood ng Pangulo si Secretary to the Cabinet Karlo Nograles at ilan lan pang opisyal ng gobyerno.

Sa kanyang mensahe bago magsimula ang palabas ay muling inulit ng Presidente ang kanyang babala laban sa mga sangkot at nagpapakalat ng iligal na droga dahil papatayin ang mga ito.

“When I become President sinabi ko, hindi lang kasi nakikinig itong mga gunggong sa Maynila. Pati mga pulis, kasi akala nila nagbibiro ako. I’m a joker pero nasa lugar hindi naman sa lahat ng panahon puro tawa. I told everybody I will kill you if you destroy my country, period. I don’t give a shit about Human Rights,” anang Pangulo.

Ang pelikula ay isang socio-political action thriller na naka­sentro sa war on drugs sa Pilipinas.

Ang war on drugs ang isa sa pangunahing programa ng Duterte administration at umani ng sari-saring reaksyon, kung saan ginamit ng mga kritiko ni Pangulong Duterte para banatan ito at sirain sa international community. (Aileen Taliping)