Digong sa PAL, CebuPac: Kung ‘di kaya mag-serve, layas!

Nasagad na ang pasensiya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa klase ng serbisyong ibinibigay sa publiko ng Philippine Airlines (PAL) ni Lucio Tan at Cebu Paci­fic ng mga Gokongwei.

“Kawawa talaga ang ri­ding public,” sabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa ika-121 anibersaryo ng Philippine Navy na ginanap sa Cavite kahapon.

Ayon sa Pangulo, walang karapatang magkaroon ng prangkisa ang mga naturang airline company kung hindi nila matutupad ang mga pangunahing obligasyon para sa on-time at komportableng pagbiyahe ng kanilang mga pasahero.

“Merong isang eroplanong nag-landing and they stayed for five hours inside the plane — incoming. So merong tumawag late ng two hours, mag-book sila ng hotel,” anang Pangulo.

Dahil dito, hindi napigilan ni Pangulong Duterte ang sarili na pangaralan ang PAL at Cebu Pacific.

“I told PAL and the rest of the carriers — the very essence of a common carrier, whether it is a jeep, a bus, an airplane, a ship — ang common ano diyan is for public interest and public governance, and convenience.

“If you cannot provide convenience and comfort, do we ought not to be there at all?” pahayag ng Pangulo.

Dahil dito kung kaya’t matagal na umano niyang tinitingnan ang Sangley Air Base bilang alternatibong paliparan para lumuwag ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA)

“I used to fly when I was young. So kilala ko ‘yang mga piloto sa Civil Aviation, almost all of them. Noong una pa tini­tingnan ko talaga ‘yung clogging. I mentioned it in passing itong Sangley. But it was lost in the maze of governmental…Sabi ko ‘Why don’t you look at the direction of Sangley? Maski na lang sa mga cargo, to ease up a bit ‘yung (congestion),’” anang Pangulo. (Aileen Taliping)