May napili nang magiging kanlungang bansa si Pangulong Rodrigo Duterte sakaling habulin ng mga international human rights group sa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa mga napapatay sa kanyang giyera kontra droga.
Sinabi ng Pangulo na magtatago siya sa Papua New Guinea sakaling ipakulong siya ng ICC, dahil walang extradition treaty sa nabanggit na bansa.
“Never mind me going to jail. If I skip on time, magkita-kita rin tayo dito. Wala namang extradition treaty.
Maybe after the end of my term I will catch the next available flight to reach Papua New Guinea. Magtago na lang ako doon sa bukid na… I’m sure the governor can arrange for a simple living there,” anang Pangulo.
Sa kanyang pagharap sa Filipino community sa Papua New Guinea, inilahad nito kung bakit gigil na gigil sa kanya ang ICC.
Pero sinabi ng Pangulo na hindi niya kinikilala ang ICC dahil ang mga judge nito ay hindi naman mga abogado kundi mga pinili lamang ng European Union (EU).
“I do not recognize the ICC. It is a creation of EU. Hindi ‘yan ‘yung criminal— international court of justice. Ito creation ng EU. Tapos ‘yung putota na itim na prosecutor nila… bantay ka ‘pag nakita kita sasampalin kita,” dagdag pa ng Pangulo.