Sa kabila ng kanyang mga banat laban sa Simbahang Katolika, nagpaha­yag naman ng paghanga si Pangulong Rodrigo Duterte kay Pope Francis na inilarawan niyang isang progresibong lider ng simbahan.

Ipinahayag ito ng Pangulo sa kanyang talumpati nang dumalo sa isang okasyon sa Las Piñas City kamakalawa nang gabi.
“Kaya ‘yung pinalitan nito, itong pope ngayon. Itong pope ngayon, progressive ‘to. Diyan ako, bilib ako. Saludo talaga ako dito,” pahayag ng Pangulo.

Pero sa kanyang talumpati ay buma­nat muli ang Pangulo sa mga pari at Obispo na karamihan aniya ay mga bakla kaya makakasama siya sa impiyerno.