Digong takot maputulan ng utin

Hindi natatakot si Pangulong Rodrigo Duterte na mapatay ng mga galit sa kanya o mabilanggo dahil sa mga ipinatutupad niyang polisiya sa gobyerno, partikular sa peace and order at laban sa katiwalian.

Pero may isang bagay na kinatatakutan ang Pangulo at ito ay ang maputulan siya ng ari ng common-law wife niyang si Honeylet Avanceña.

Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Malabon City Martes nang gabi, ikinuwento ng Pa­ngulo na may history umano si Honeylet na nakipagsaksakan sa isang babae na hindi nito binanggit ang dahilan.

“Si Honeylet, ‘yung asawa ko sinaksak na niya ‘yung isang babae p***** i**. Naloko na. Nagsaksakan na. Sinaksak talaga. ‘Yung asawa ko si Honeylet, Bulakenya ‘yan. Ang mangyari ‘yan ng — ah Bulac — Valenzuela City Fune­ral Parlor. Kaya humihirit talaga ‘yang g***** ‘yan. May-ari ng pune­rarya. P***** i** saksakin ka,” kuwento ng Pangulo.

Kaya takot umano siya kay Honeylet dahil baka paggising niya ay wala na ang kanyang pagkalalaki.

“Eh kung naka — ako nag-iinom ako ng pampatulog, Stilnox. Ang Stilnox wala kang — patay ka talaga eh. Tulog ka. P*** paggising mo pinutol na ‘yang otin mo, kaya ako takot p***. Kaya sabi ko sa kanya, ‘Iba-ibang kuwarto tayo.’ Ibang ano… May sarili siyang kuwarto,” ayon pa sa Pangulo.

Pero bumawi rin ang Pangulo at sinabing mahal talaga niya si Honeylet. (Aileen Taliping)