Umpisa na ng pagtahak sa bagong landas ng 32 teams patungo sa 2019 FIBA World Cup sa China umpisa sa August 31.

Mahirap pang sabihin kung pumabor ang basketball gods sa Pilipinas, o kinasihan ng suwerte, pero nakaiwas naman sa superpowers ng laro.

Napadpad sa Group D ang Pilipinas bilang No. 2, kasama ang No. 1 Angola, No. 3 Italy at No. 4 Serbia.

Sa Shenzhen Bay Arena kagabi, nakumpleto na ang draw at naitarya sa walong grupo ang record number ng parti­cipants. Bawat grupo ay may apat na teams.

Si Yao Ming, ang ‘China’s greatest basketball player ever,’ ang tumanggap ng tropeo na iuuwi ng kampeon sa Sept. 15.

Si Kobe Bryant, ang World Cup ambassador, ang nangasiwa sa draw.

Ang USA, No. 3 sa Group E kasama ng Turkey (1), Czech Republic (2) at Japan (4).

Sa Group A ang Ivory Coast, Poland, Venezuela at host China. Group B ang Russia, Argentina, Korea at Nigeria. Group C ang Spain, Iran, Puerto Rico at Tunisia, habang sa Group F: Greece, New Zealand, Brazil at Montenegro; Group G: Dominican Republic, France, Germany at Jordan; at Group H: Canada, Senegal, Lithuania at Australia.